"Ang dating pangulong Manuel Quezon ay nararapat lamang na gunitain sa tuwina, lalung-lalo na sa Buwan ng Wika sapagkat utang natin sa kanya ang ating Wikang Pambansa."
Si Manuel Quezon ay sikat na sikat lalung-lalo na sa buwan ng Agosto. Siya lang naman ang tinaguriang ating Ama ng Wikang Pambansa, dahil nga sa pagdeklara niya sa Wikang Filipino bilang wikang para sa Pilipino.Bago pa man naging Wikang Pambansa ang Filipino ay kanya-kanya muna ang ginagamit na wika ng ating mga kababayan. Bilang pangulo noon, si Manuel Quezon ay kinakailangang mag-talumpati sa ibat-ibang panig ng Pilipinas, sapagkat itoy isa sa kanyang nararapat na gawin bilang nahalal na pangulo. Dahil nga sa katotohanang marami tayong katutubong wika ay nahirapan si dating Pangulong Manuel Quezon na aralin ang lahat ng wikang ito. Butit naisip niyang ideklara ang Wikang Filipino bilang ating wikang panlahat at isama sa pag-aaral. Dahil nga doon ay hanggang ngayon din na tayo nahihirapang magka-unawaan. Ang Wikang Filipino ay naging instrumento sa pagkakaisa ng mga Pilipino at hindi na naging watak-watak
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento