Bata
pa lang ako ay kinamulatan ko na ang panonood ng telebisyon.Noon,halos
buong araw akong nakatutok sa T.V. dahil kinagiliwan ko ang mga palabas.Kaya
mahirap sa akin nung una ang pagtigil ang panunuod ng T.V. dahil
nakagawian ko na ito.Ngunit,dahil sa aking determinasyon ay napagtagumpayan
kung labanan ang tuksong manuod ng telebisyon.Ito ay dahil gusto kung
igugol ang aking oras sa mga produktibong gawain imbes sa
panunuod lamang ng telebisyon mapupunta ang aking oras.
Alam ba ninyo na ang pagbabawas ng panonood ng telebisyon ay
nakakatulong sa pagtaas ng ating grado ? Oo , ito ay nakakatulong sa ating
grado dahil kapag tayo ay laging nanonood ng telebisyon ang ating memorya
ay nabubura dahil ang atensyon lamang ng ating isip ay ang programa na
pinapanood natin. Ang iyong memorya ay nakadepende sa iyong magandang
kalusugan. Ang telebisyon ay isang pasibong gawain, habang ang pagbabasa
ay aktibo at anumang aktibong gawain ay mas mainam daw sa isip , Ang pagkakaroon
ng aktibong pag- iisip ay mahalaga sa memorya at ang mga programa sa telebisyon
gaya ng balita ay mainam daw sa atin. Kaya hindi naman talaga masama ang
panonood ng telebisyon. Binabawasan lamang nito ang oras na dapat sana ay
ginugugol natin sa ibang gawain na mas aktibo para sa ating pag-iisip.
Ang panunuod ng telebisyon ay meron ding mga isyu ng kalusugan tulad ng
depresyon , obesity, kakulangan ng tulog , pagsakit ng mata at pagkirot ng
katawan.Ang taong mahilig manuod ng T.V. ay kalimitang pagod at nawawala sa
konsentrasyon.Ilan lamang ito sa masamang epekto sa labis na panunuod ng T.V.
Hindi naman pala mahirap pakawalan ang pagkagiliw sa T.V. kung sasanayin mo ang
sarili.Kung hindi talaga kayang burahin ang T.V. sa ating buhay ay
mainam na bawas-bawasan na lamang ito dahil ito rin ay para sa ating
ikabubuti.Ika nga nila,lahat ng sobra ay masama—sang-ayon ba kayo?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento